NAGSASAGAWA ng maigting na Declogging Operations ng Drainage sa pangunahing lansangan sa Metro Manila ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD).
Layunin ng operasyon na alisin ang mga basura, putik at iba pang debris sa mga Drainange sa kalsada.
Ayon sa MMDA na regular man ang ginagawang Operations, kung patuloy ang siklo ng tapon-linis, hindi matatapos ang problema sa pagbaha.
Pinaalalahanan ng aahensiya ang publiko na maging responsable at disiplinado sa pagtatapon ng basura na sanhi ng pagbara ng daluyang tubig at bakit mabilis na binabaha ang lansangan.




