NAPANATILI ng Philippine Men’s Baseball Team ang kanilang perfect run sa 2025 Southeast Asian o Sea Games matapos ang 21-1 win laban sa Vietnam, kahapon, sa Thailand.
Kinailangan lamang ng mga Pinoy ng 7 innings para gulantangin ang Vietnamese Squad at umakyat sa 4-0 sa team standings.
ALSO READ:
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Binuksan ng Pilipinas ang kampanya sa 14-0 shutdown laban sa Indonesia noong Sabado, bago sumabak sa 17-3 at 21-0 victories laban sa Singapore at Malaysia.
Dahil dito, nalagay sa magandang posisiyon ang mga Pinoy para maipagpatuloy ang kanilang pangingibabaw sa SEA Games Baseball Tournament, kung saan reigning two-time gold medalist ang Pilipinas.
