Nadagdagan ang Official Development Assistance (ODA) loans at grants na tinanggap ng Pilipinas noong nakaraang taon, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Sa 2022 ODA Portfolio Review Report, sinabi ng NEDA na umabot sa 32.40 billion dollars ang ODA Portfolio ng bansa, mas mataas ng 0.50% mula sa 32.24 billion dollars noong 2021.
Ang total ODA na tinanggap ng Pilipinas noong nakaraang taon ay kinabibilangan ng 106 loans na nagkakahalaga ng 30.20 billion dollars; at 320 grants na nagkakahalaga ng 2.20 billion dollars. Ang 32.40 billion dollars ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng 20 development partners, kung saan ang Asian Development Bank (ADB) ang pinakamalaking contributor na kumakatawan sa 33.47% o 10.85 billion dollars ng kabuuang oda loans at grants.