20 July 2025
Calbayog City
Province

Cebu City isinailalim sa state of calamity

cebu

Isinailalim sa state of calamity ang Cebu City bunsod ng naranasang pagbaha at landslides dahil sa patuloy na pag-ulan.

Sa isinagawang emergency session, inaprubahan ng Cebu City Council ang rekomendasyon ng City Risk Reduction and Management Council na ideklara ang state of calamity sa lungsod.

Ayon kay Cebu City Mayor Nestor Archival Sr. makatutulong ang deklarasyon para mas mabilis na maisagawa ang flood mitigation efforts lalo at may mga aasahan pang sama ng panahon sa susunod na mga buwan.

Inirekomenda din ni Archival na magkaroon ng personnel na nakabantay 24/7 sa City Command Center para sa mas mabilis na responde.

Ayon sa alkalde mayroong P61 million na quick response fund ang lungsod na maaaring magamit para masuportahan ang emergency operations.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).