TATLUMPU’T anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Samar Provinces ang na-neutralized sa pagitan ng Oktubre at Nobyembre ngayong taon, bilang bahagi ng pinaigting na operasyon ng Philippine Army laban sa mga rebelde.
Ayon sa 8th Infantry Division, simula Oct. 1 hanggang Nov. 20, nawalan ng lakas ang communist terrorist group matapos ang dalawampu’t anim na sagupaan sa Samar Island.
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Ang mga naturang engkwentro ay nagresulta sa neutralization ng tatlumpu’t anim na miyembro, kabilang ang labinlimang napaslang, tatlong nasakotr, at labing walong sumuko.
Iniugnay ni Major General Adonis Ariel Orio, Commander ng 8th Infantry Division ang naturang achievements sa sustained efforts ng Joint Task Force Storm, na naging matagumpay sa pamamagitan ng matibay na pagtutulungan ng government agencies, stakeholders, at suporta mula sa mga lokal na komunidad.
