TATLUMPU’T apat na pampubliko at pribadong paaralan sa buong Eastern Visayas ang tinukoy bilang pilot sites ng Revised Senior High School Program.
Ito, ayon kay Ronilo Al Firmo, Assistant Regional Director ng Department of Education (DepEd) Eastern Visayas, sa isang press conference, na ginanap sa Leyte National High School sa Tacloban City.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Mula sa 34 pilot schools, tatlumpu ang public schools habang apat ang private schools.
Kinabibilangan ito ng tig-limang paaralan sa Baybay City at Ormoc City; tig-apat sa Eastern Samar at Northern Samar; tig-tatlo sa Biliran, Leyte at Catbalogan City; tig-dalawa sa Tacloban City at Calbayog City; at isa sa Borongan City.
