NA-discharge na rin ang BTS members na sina Jungkook at Jimin mula sa South Korean Military, kaya naman nalalapit na ang Full Reunion ng sikat na K-pop Group.
Sa kabila ng naunang apela ng kanilang label sa mga fans na huwag nang bumisita sa Army Bases, sinalubong pa rin sina Jungkook at Jimin ng mga fans na nagbunyi sa kanilang paglabas mula sa military, kahapon.
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Noong Martes ay nakalabas na rin ang kanilang bandmates na sina RM at V habang noon pang nakaraang taon nakumpleto nina Jin at J-Hope ang kanilang Military Service.
Sa paglabas sa military ng anim mula sa pitong BTS members, maugong na ang usap-usapan para sa kanilang Full-Group Comeback ngayong 2025 o sa 2026.
Sa pitong miyembro ng BTS, tanging si Suga nalang ang hindi pa nadi-discharge.
