5 July 2024
Calbayog City
Metro

33 NCR congressmen, bubuo ng programa para sa pamamahagi ng bigas sa Metro Manila

ncr

Bubuo ng programa ang tatlumpu’t tatlong (33) kongresista sa Metro Manila para sa pamamahagi ng bigas.

Sa chance interview sa sidelines ng distribusyon ng isanlibong sako ng smuggled na bigas sa Taguig City, inihayag ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na binigyan niya ng instructions si House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng pagbuo ng rice assistance program para sa NCR congressmen.

Sa ilalim nito, ang mga mambabatas ay mamimigay ng tulong na bigas sa iba’t ibang lugar sa metro manila. Iginiit ni Marcos na batay sa statistics ay nakitang kalimitang nasa NCR ang problema sa presyo ng bigas, ngunit natural lamang umano ito sa isang siyudad kung saan matagal dumarating ang bigas, at mataas ang gastos sa transportasyon, storage, at processing fee.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *