TATLUMPUNG aplikasyon para sa amnestiya ang inendorso ng Local Amnesty Board (LAB) sa Catbalogan City, Samar, para sa resolusyon ng national government.
Resulta ito ng nagpapatuloy na case conferences ng mga miyembro ng LAB Catbalogan mula sa iba’t ibang ahensya simula noong nakaraang taon.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Ang inendorsong LAB resolutions ay ifinorward sa National Amnesty Commission (NAC) executive committee bago ang final resolution mula sa En Banc.
Inihayag ng LAB Catbalogan na ang mga resolusyon ay isusumite sa Office of the President, at tanging pangulo lamang ang may kapangyarihan na mag-apruba o magbasura ng amnestiya.
Simula nang tumanggap ang pamahalaan ng amnesty applications noong December 2024, nasa 378 na dating mga miyembro ng New People’s Army mula sa tatlong Samar provinces ang naghain ng kanilang mga aplikasyon sa LAB Catbalogan.
