DALAWA ang nasawi makaraang mawalan ng kontrol ang isang kulay itim na SUV sa Departure Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, isa sa mga namatay ang limang taong gulang na babae na anak ng OFW.
ALSO READ:
Goitia: Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas
DILG chief, inatasan ang mga pulis na magsuot ng body camera sa paghahanap kay Atong Ang
Zaldy Co, nagtatago sa gated community sa Portugal, ayon sa DILG
Subpoena laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakaumang na, ayon sa DOJ
Tatlo naman aniya ang nasugatan at dinala sa San Juan De Dios Hospital, subalit batay sa statement ng New NAIA Infra Corp., apat ang nagtamo ng injuries.
Kabilang sa mga nasugatan ang ina ng nasawing bata.
Nasa airport ang mag-ina para ihatid ang kanilang padre de pamilya.
