NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na politically motivated ang reklamong physical injuries at grave threats na isinampa laban sa kanyang kapatid na si Davao 1st District Rep. Paolo Duterte.
Sinabi ng bise presidente na ang isyu ay para pagtakpan ang kabiguan ng administrasyon na tuparin ang pangakong bente pesos na kada kilo ng bigas.
ALSO READ:
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Aniya, dahil hindi naman totoo ang pangako at hindi mapanindigan, kaya lumabas ang reklamo laban kay Cong. Polong.
Idinagdag ni VP Sara na sa tuwing nagkakaroon ng kabalbalan ang administrasyon, ang ginagawa nilang pantakip sa mga isyu ay atakihin ang mga kalaban sa politika.
