4 July 2024
Calbayog City
Local

3 timbog sa droga sa Calbayog City

DAKMA ang tatlong lalaki matapos ang buy-bust operation ng pinagsanib-puwersa ng
Calbayog Drug Enforcement Team at Samar Provincial Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLtCol. Aquilino G. Pongcol III.

Isinagawa ang pag-aresto pasado alas 7:00 ng gabi ng December 17, 2024 sa Purok 4 Brgy. Balud, Calbayog City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ernesto Baculanta alias Ernie, 84 anyos, isang High Value Individual o HIV, nakatira sa P4 Brgy. Balud ng nasabing Lungsod; Omel Salman nasa hustong gulang, nasa Street Level Individual o SLI, nakatira sa Brgy. Pandan, Jolo Sulu at si Christian Titoy alias Chano, 44 na taong gulang, nakatira sa P5 Brgy. Balud, Calbayog City.

Maliban sa pag-aresto sa mga suspek ay nabuwag din ang drug den na pinagkukutaan ng mga ito kung saan nahuli sa akto ang mga ito habang binebentahan ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakuha sa suspek ang (8) walong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang sa mahigit kumulang 5.81 na gramo at tinatayang nagkakahalaga sa Php 37,765.00 at buy-bust money na P1,000; Card holder na pinaglagyan ng mga hinihinalang shabu, plastik box na naglalaman ng mga lighter at drug paraphernalia, bamboo stick improvised sealer at homemade improvised na baril.

Samantala, dinala ang mga suspek sa Calbayog CPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon at nahaharap sa paglabag sa RA 9165 O COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT OF 2002.

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *