NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong suspek na nag-abandona sa isang maleta na naglalaman ng P61 million na halaga ng shabu sa Dapdap Port sa bayan ng Allen sa Northern Samar.
Ayon sa Northern Samar Police Provincial Office, matapos matukoy sa CCTV footage ang L-300 Van na nag-iwan sa maleta, ay agad nagkasa ng operasyon ang mga pulis, at naharang ang sasakyan sa checkpoint sa San Juanico Bridge sa Sta. Rita, Samar.
1 pang bayan sa Samar, idineklarang Insurgency-Free
Sangguniang Panlungsod ng Calbayog, inamyendahan ang naunang resolusyon sa GWEC Project
CSC Samar Field Office On-Site Acceptance para sa March 2026 Career Service Exam, isinasagawa sa Calbayog City
Philippine Red Cross Western Samar, naglunsad ng training hinggil sa Forecast-Based Anticipatory Action
Dinakip ang driver na trenta’y dos anyos na residente ng Taguig City, gayundin ang dalawang pasahero na kinabibilangan ng bente sais anyos na taga-Cotabato City at bente-kwatro anyos na taga-Maguindanao.
Nabatid na ang mga suspek ay galing sa Bicutan, sa Taguig at patungong Cotabato City.
Natagpuan ng mga awtoridad sa sasakyan ang ilang high-powered firearms, iba’t ibang bahagi ng rifle, mga bomba, military uniforms, ATM cards, cash, at iba pang kagamitan.
Sasampahan ang tatlong indibidwal sa patong-patong na kaso, kabilang ang Illegal Possession of Firearms and Explosives.
