26 March 2025
Calbayog City
Local

P1.33 billion na modernization plan, isinapubliko ng National Maritime Polytechnic sa Tacloban City

ISINAPUBLIKO ng National Maritime Polytechnic (NMP) na pinatatakbo ng pamahalaan ang kanilang P1.33-Billion Four-Year Modernization Plan para mapagbuti ang training ng mga Filipino Seafarer.

Sa pamamagitan ng suporta mula Kamara, positibo ang NMP na makapagse-secure ng pondo mula 2025 hanggang 2028 para mapaghusay ang kanilang maritime training equipment at facilities, pati na infrastructure sa loob ng 16-hectare complex sa Barangay Cabalawan, Tacloban City.

Mula sa P1.33 billion na budget, inaasahan ng NMP na makaka-secure ng P888.20 million sa 2025; P166.99 million sa 2026; P176.47 million sa 2027; at P105.93 million sa 2028.

Sa pamamagitan ng modernisasyon, tinaya ng NMP na lolobo sa 26,617 trainees ang magpapalista sa 2028, mula sa 15,260 noong 2023.

Inaasahan namang aakyat sa P79.86 million ang income ng NMP sa 2028 mula sa P31.43 million noong nakaraang taon. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).