Tatlo ang patay habang mahigit walumpu ang nasugatan sa Israeli airstrikes sa isang Yemeni port, ayon sa houthi rebels, isang araw matapos akuin ng Iran-backed group ang pag-atake sa Tel Aviv City.
Sinabi ng Israel Defense Forces (IDF) na inasinta ng kanilang fighter jets noong Sabado ang military targets ng houthi terrorist regime sa Hodeidah Port sa Yemen.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Tinukoy din ito ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu bilang direktang ganti sa pagkamatay ng singkwenta anyos na Israeli sa isang houthi drone attack sa Tel Aviv noong Biyernes.
Ayon sa Israeli officials, ito ang unang pagkakataon na inatake ng Israel ang Yemen.
