Napukaw ng pinoy pop group na Bini ang atensyon ng publiko dahil sa kanilang kakaibang outfit nang maispatan sila sa airport patungong General Santos City para sa kanilang Biniverse Concert.
Ang all-female group ay pare-parehong nakasuot ng khaki hoodies, pants, at masks na tumatakip sa kanilang buong mukha, na katulad ng sa iconic hip-hop group na Jabbawockeez at sumikat noong 2008 matapos manalo sa reality dance show na America’s Best Dance Crew.
Marami naman ang naghihinala na ang pagsusuot ng Bini ng naturang attire ay hindi tribute sa hip-hop group kundi may nais silang patunayan sa kanilang mga kritiko.
Una nang nakuhanan ng mga litrato ang Bini na nakasuot ng face mask, dark sunglasses at sumbrero sa publiko dahilan para isipin ng mga netizen na sinadya ito ng grupo upang hindi sila makilala ng fans.