Naging severe tropical storm ang bagyong “Carina” habang nananatiling almost stationary o halos hindi gumagalaw.
Huling namataan ng PAGASA ang severe tropical storm, kaninang 4 a.m., 420 km east ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang pinakamalakas na hangin na 100 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 125 km/h habang mabagal na kumikilos pahilaga hilagang kanluran.
Itinaas ng PAGASA ang signal no. 1 sa eastern portion ng mainland Cagayan, gaya ng Santa Ana, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Lal-lo, at Gonzaga; at Northeastern portion ng Isabela, gaya ng Divilacan, Palanan, at Maconacon.
Paiigtingin din ng bagyo ang southwest monsoon o habagat na magdadala ng moderate to intense rainfall sa iba’t ibang lokalidad sa western portion ng Luzon mamayang gabi hanggang sa Miyerkules.