Nasakote ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pekeng abogado na umano’y nag-aalok sa mga mag-asawa ng “non-appearance annulments” sa halagang 500,000 hanggang 700,000 pesos.
Ayon kay NBI Batangas Chief, Atty. Christopher Hernandez, binigyan ang mga biktima ng court decision ng annulment subalit nang i-verify ito sa Philippine Statistics Authority (PSA), ay lumalabas na peke ang ibinigay na dokumento.
ALSO READ:
Manay, Davao Oriental, niyanig ng Magnitude 5.1 na lindol
Retrieval sa mga labi ng 6 na crew ng Air Force chopper sa Agusan Del Sur, natapos na
Helicopter ng Philippine Air Force, bumagsak sa Agusan Del Sur
Manjuyod at Bais City sa Negros Oriental, isinailalim sa State of Calamity bunsod ng Wastewater Spill
Idinagdag ni Hernandez na una nang inaresto ang suspek ng CIDG Cavite-Dasmarinas dahil sa kaparehong kaso noong Marso, subalit maaring nakapag-piyansa kaya tuloy ito sa pagsasagawa ng iligal na aktibidad.
Kinumpirma rin ng NBI Batangas na hindi kasama ang suspek sa roll of attorneys ng Supreme Court.
