Inararo ng dump truck ang nasa labinlimang concrete at plastic barriers sa bahagi ng EDSA-Bansalangin sa Quezon City.
Nangyari ang insidente, pasado alas tres ng madaling araw, kahapon, sa southbound lane ng EDSA-Bansalangin, sa Barangay Veterans Village.
ALSO READ:
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad
Ayon sa driver ng truck, galing siya sa Malabon at patungong West Avenue para humakot ng lupa sa itinatayong MRT-7 nang biglang may sumulpot na motorsiklo.
Para hindi mahagip ang motorsiklo ay mas pinili umano ng driver na ibangga ang minamanehong dump truck sa mga barrier.
