TATLO ang patay habang dalawa ang sugatan matapos bumangga ang kanilang sinasakyang van sa mga bahay sa gilid ng highway sa San Narciso, Quezon.
Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng animnapu’t dalawang taong gulang na lalaki, asawa nito na limampu’t pitong taong gulang, at kwarenta’y singko anyos na driver ng van.
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Nangyari ang aksidente sa San Narciso-Mulanay Road sa Barangay Abuyon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang bumangga ang van sa dalawang bahay sa gilid ng kalsada saka tumama sa isang puno.
Galing umano sa isang Beach Resort ang pamilya at pauwi na sa Pampanga nang mangyari ang aksidente.
Ayon sa mga kasamang nakaligtas, pagod at inaantok ang kanilang driver dahil madaling araw sila umalis sa Pampanga at kinahapunan ay umuwi rin matapos uminom kasama ang pamilya.
