TATLONG aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Samar ang sumuko sa militar, para sa hangaring makapagsimula ng mapayapang buhay kasama ang kanilang pamilya.
Kusang loob na sumuko ang tatlong rebelde sa 19th Infantry Battalion at sa Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) sa Matuguinao, na pinamumunuan ni Mayor Aran Boller.
ALSO READ:
Eastern Samar niyanig ng Magnitude 4.3 na lindol
Calbayog City LGU, nag-turnover ng panibagong School Vehicle sa ilalim ng Sakay Na Program
Mahigit 236 million pesos na halaga ng Relief, inihanda ng DSWD Region 8 para sa mga biktima ng kalamidad
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
Ang mga dating rebelde ay kinabibilangan ni alyas “Ben,” kanyang anak na lalaki at manugang na babae.
Sinabi ng misis ni Ben, na nagbalik loob sa pamahalaan ang kanyang mister, pati na ang kanilang anak, dahil naniniwala silang wala silang kinabukasan sa armadong pakikibaka.