TARGET ng Department of Trade and Industry na maabot ang 3 million pesos na kita sa limang araw na Trade Fair ng small and medium enterprises sa Leyte kung saan tampok ang mga lokal na produkto.
Mula sa 2.67 million pesos na target sales, hinamon ni DTI Eastern Visayas Regional Director Celerina Bato ang apatnapu’t apat na exhibitors na kumita ng mas malaki.
ALSO READ:
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod
Pagkukumpuni sa 2 tulay sa Eastern Samar, pinabibilisan sa DPWH ng Provincial Government
Fuel Subsidy Program para sa TODA drivers, naisapinal na ng Calbayog LGU
Sa marketing event na nagsimula kahapon hanggang sa June 24 na tinawag na “Layag” Leyte Fiesta Bonanza Trade Expo 2024, matatagpuan ang iba’t ibang produkto ng lalawigan bago ang pagdiriwan ng kapistahan sa June 30.
Ito na ang ikatlong “Layag” Leyte Trade Fair simula nang ilunsad ang marketing brand noong June 2023.
