SUGATAN ang tatlo katao habang ilang mga sasakyan ang napinsala makaraang magbagsakan ang mga poste ng kuryente sa kahabaan ng Quintin Paredes sa Binondo, Maynila.
Rumesponde ang rescue unit at emergency medical services ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
Ayon sa manila DRRMO, tatlong pasyente ang nagtamo ng mga gasgas at galos na agad namang binigyan ng paunang lunas.
Nagtulung-tulong naman ang mga kawani ng manila DRRMO, MERALCO at MMDA para magsagawa ng clearing operation.