NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong crew ng nasiraang yate sa Occidental Mindoro.
Nakatanggap ng impormasyon ang PCG Sub-Station (CGSS) Lubang tungkol sa nagkaproblemang yate na “Annie Kim” sa katubigan ng Barangay Binakas sa bayan ng Lubang.
ALSO READ:
Naglunsad ang PCG ng search and rescue (SAR) operation at nakita ang yate na bahagya nang nakalubog.
Ang mga nailigtas na crew ay kinabibilangan ng 2 Pinoy at 1 Korean.
Sa imbestigasyon ng PCG, umalis ang yate sa Puerto Princesa, Palawan at patungo dapat ng Subic, Zambales nang makaranas ng malakas na hangin at malalaking alon.




