Hinimok ng PhilHealth ang mga miyembro nito na gamitin ang kanilang member portal para “ligtas na ma-access” ang kanilang data, sa gitna ng data breach sa ahensya.
Gamit ang inyong mobile phone o computer na may internet access ay pwede na kayo magparehistro sa PhilHealth member portal.
ALSO READ:
Kailangan lang magparehistro gamit ang PhilHealth Identification Number (PIN) at email address.
Ito ang mga dapat gawin para makapagparehistro.
- Bisitahin ang https://www.philhealth.gov.ph/
- I-click ang Online Services, Member Portal at Create Account.
- Punan ang Member Portal Creation Page.
- I-activate ang iyong account sa pamamagitan ng link na ipinadala sa iyong email address.
- Kapag na-activate na, mag-log-in sa PhilHealth member portal.
Sa PhilHealth Member Portal makikita ang Membership record, Premium contribution record, magdownload ng Member Data Record (MDR) at tumanggap ng bayad para sa mga self-paying members.




