UMARANGKADA na ang Oplan Balik Eskwela – Inter Agency Task Force (OBE-IATF) sa Calbayog City Division.
Kabilang sa mga tinalakay ng binuong task force ay ang mga usapin sa Natural Disasters, Heat Exhaustion, Anxiety Attack, Accidents at Snake bites.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Inilatag din sa naturang pagtitipon na nilahukan ng ibat-ibang sektor ng lipunan ang mga isyu at concerns hinggil sa suplay ng tubig at handwashing facilities, at mga palikuran; fire emergencies, earthquake, at ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral at school staff.
Binuo ang OBE-IATF sa bisa ng DepEd Order 009, series of 2024 o “ Implementing Guidelines on School Calendar and Activities for School Year 2024-2025”, ito ay alinsunod sa Republic Act 7797 na nag-sasaad na ang pasukan sa School Year 2024-2025 ay dapat magsimula sa araw ng Lunes, July 29, 2024 at magtatapos ng Martes ng April 15, 2025.
Isinagawa ang pagtitipon sa Division Conference Hall sa Calbayog City.
Kabilang ang Infinite Radio sa binuong Inter-Agency Task Force.
