Isang dalawang taong gulang na batang babae sa Cagayan ang naisalalim sa operasyon sa puso nang walang binayarang bill dahil sa Zero Billing Program.
Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Cardiovascular Surgical Mission ng DOH-Cagayan Valley Medical Center at ng Philippine Heart Center sa 2 y/o na si baby Thalia.
ALSO READ:
Si Baby Thalia ay mayroong Ventricular Septal Defect kung saan nakitaan ng butas ang parte ng kaniyang puso dahilan para mahirapan siyang huminga.
Ayon sa Department of Health, naging matagumpay ang anim na oras na operasyon sa bata.
Isa si Baby Thalia sa 8 bata, kasama ang 2 matandang nabigyan ng libreng heart operation, na sagot din ng Zero Balance Billing.