NABALIKTAD ang Fiscal Position ng pamahalaan noong Abril, ayon sa Bureau of Treasury.
Naitala ang surplus noong ika-apat na buwan makaraang mahigitan ng koleksyon ang gastos sa naturang panahon.
Umabot sa 42.7 billion dollars ang budget surplus noong nakaraang buwan, mula sa deficit na 195.9 billion pesos noong Marso.
Nangyayari ang budget surplus kapag mas kaunti ang nagastos ng gobyerno kumpara sa koleksyon habang ang deficit ay nangangahulugan na mas marami ang gastos kumpara sa koleksyon.