Tagumpay ang Gilas Pilipinas Women’s U18 (under 18) sa ipinakikitang pamamayagpag sa Southeast Asia.
Ito’y matapos durugin ng Gilas ang Indonesia sa score na 73-37 sa Fiba Women’s Under-18 Asia Cup 2024 SEABA Qualifiers, sa Ratchaburi Gymnasium, kahapon.
Pinangunahan ni Alicia Villanueva ang pambansang koponan sa pamamagitan ng kanyang 13 points at 10 rebounds, na nagbigay daan para ma-sweep nila ang tournament sa 3-0.
Ang panalo ng Gilas ay magsisilbi ring malaking confidence booster sa squad na nakatakdang matungo sa China sa hunyo para sa Asia Cup Under 18 Division B Tournament.