MAHIGIT animnaraan at pitumpung katao ang pinaniniwalaang nasawi sa landslide sa liblib na rehiyon sa hilaga ng Papua New Guinea, ayon sa mga opisyal ng United Nations.
Ayon kay Chief of Mission for the International Organization for Migration (IOM) sa bansa na si Serhan Aktoprak, mahigit isandaan at limampung kabahayan sa Yambali Village ang natabunan ng debris.
ALSO READ:
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Ang bagong estimate ay di hamak na mas mataas kumpara noong nakaraang linggo, nang unang ihayag ng UN na mahigit isandaang katao ang pinangangambahang namatay sa landslide.
Sinabi ni Aktoprak na unang napaulat na nasa apatnalibo ang populasyon ng village subalit sa bagong pagtaya ay napag-alaman na ang aktwal na bilang ng mga residente ay mas malaki.
