15 February 2025
Calbayog City
Province

Davao City Mayor Baste Duterte, pinalagan ang pagsibak sa pwesto ng Davao Police Personnel na isinasangkot sa Drug-Related Killings

PINALAGAN ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang pagsibak sa tatlumpu’t limang  Davao Police Personnel mula  sa kani-kanilang pwesto bunsod ng umano’y Drug-Related Killings.

Kabilang sa mga ni-relieve ay si Davao City  Police Chief, Police Colonel Richard Bad-Ang na  isinailalim din sa administrative suspension.

Sinabi ng Police Regional Office-Davao na sinuspinde si Bad-Ang upang hindi nito maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon.

Sa statement  na naka-post sa kanyang official facebook page, sinabi ni Duterte na tinututulan niya ang anumang hakbang na magpapahina sa pinaghirapang buuing tiwala sa pagitan ng kanilang komunidad at law enforcement.

Nabatid na si  Bad-Ang ay inalis sa pwesto upang bigyang daan ang imbestigasyon ng Regional Internal Affairs Service-Davao hinggil sa umano’y drug-related killings noong Marso.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *