NAG-courtesy call ang mga opisyal ng Philippine Airlines (PAL) kay Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy.
Sentro ng naging pulong ang air travel patungo at mula sa Calbayog City.
ALSO READ:
4 katao, patay sa vehicular accident sa Samar
Responders at emergency teams, pinapurihan sa kanilang dedikasyon sa isinagawang training sa Calbayog City
LandBank, palalawakin ang kanilang serbisyo sa Eastern Visayas
Mahigit 200 na pamilya sa Eastern Samar, lumikas bunsod ng pagbaha na dala ng Shear Line
Nagbigay ng update kay Mayor Mon sina VP Corporate Communication Anne Tiongco, VP Sustainability and Strategy Bud Britanico, Government Relations Officer Abigail Cruz, at MJ Ocop ng PAL-Tacloban, tungkol sa kasalukuyang flight schedules sa pagitan ng Calbayog at Manila.
Sa meeting ay isinulong ng alkalde na dalasan ang biyahe at tinalakay din ang mga kinakailangang improvements sa imprastraktura sa Calbayog Airport upang ma-accommodate ang mas malalaking eroplano, gaya ng airbus.
