INANUNSYO ng Miss Universe Philippines Organization ang kanilang desisyon na magdaos ng official photoshoot sa Northern Samar.
Ito’y bilang paghahanda sa nalalapit na coronation night ng prestihiyong beauty pageant sa May 2, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
ALSO READ:
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Ang photoshoot na itinakda sa March 30 at April 2, ay itinuturing na strategic collaboration kasama ang provincial government ng Northern Samar.
Mahigit animnapung kandidata ang lalahok sa photoshoot, na kukunan sa pinakamagagandang tanawin sa lalawigan.
Kilala ang Northern Samar sa kanilang inviting tagline na “Explore, Experience, Enjoy.”
