ITINANGGI ni Ellen Adarna na in-unfollow niya ang kanyang mister na si Derek Ramsay, sa social media, sa gitna ng kumalat na tsismis na hiwalay na sila.
Sa Instagram story, nanawagan ang aktres sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon na tigilan silang mag-asawa.
ALSO READ:
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, muling nagkasama para suportahan ang kanilang anak na si Elias sa piano recital
Nagpaliwanag din si Ellen sa pagsasabing nang i-search niya ang pangalan ni Derek ay nakita niya na naka-follow siya rito subalit wala ito sa kanyang Following List, kaya pati siya ay nalilito rin.
Una nang kinontra ng aktor ang isang Showbiz page na nagsabing “Unfaithful Wife” si Ellen, kasabay ng babala na tigilan na ang pagpapakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanyang pamilya.
Binigyang diin ni Derek na anak niya si Lili at tapat sa kanya si Ellen.
