AABOT sa 277 Million Pesos na halaga ng shabu na nasa loob ng isang kotse ang nasabat malapit sa Port of Allen, sa Northern Samar.
Ayon sa Northern Samar Provincial Police Office (nsppo), nakabalot ang iligal na droga na tumitimbang ng 37 kilos sa kulay itim na plastic.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Kinumpiska ng highway patrol team ang illegal drugs sa isang checkpoint sa Barangay Jubasan, ilang metro lamang ang layo mula sa pantalan, na gateway ng rehiyon patungong Luzon.
Hinarang ng mga pulis na nagmamando sa checkpoint ang Toyota Avanza dahil hindi naka-seatbelt ang driver at hindi ito nakapagprisinta ng proof of ownership at rehistro ng sasakyan.
Nang mag-search ang mga awtoridad ay nakita ang kulay itim na package na naglalaman ng shabu.
Arestado ang driver na kinilala lamang sa alyas “Japeth”, kwarenta’y kwatro anyos, residente ng Antipolo City, at dalawa pa nitong kasamahan na si alyas “Emman” na taga-Antipolo rin at alyas “Ruel” mula sa Malabang, Lanao Del Sur.
