3 July 2025
Calbayog City
Local

238.5-billion peso project, inendorso ng Eastern Visayas Development Council para sa 2026

INENDORSO ng Eastern Visayas Regional Development Council (RDC) sa kanilang pulong ang 238.5 billion pesos na halaga ng produkto para sa 2026.

Ang panukalang halaga ng mga proyekto para sa susunod na taon ay mas mataas kumpara sa 157.4-billion peso projects na inaprubahan ng konseho para sa taong 2025.

Sa press briefing, sinabi ng RDC officials na aabot sa 4,445 ang kanilang inendorsong proposed programs, projects, at activities na strategically distributed sa iba’t ibang key development sectors.

Nasa 74 percent ng mga proyekto na nagkakahalaga ng 177.45 billion pesos, ay para sa infrastructure projects sa anim na lalawigan sa Region 8.

Kabilang sa key projects para sa budget considerations ay ang Tacloban Airport Development; International Seaport sa Babatngon, Leyte; Tacloban Causeway Project; Tacloban Bypass Road Extension; Basey-Maydolong Road na nag-uugnay sa Samar at Eastern Samar; Benjamin Romualdez International Convention Center sa Tacloban; at upgrading ng major highway mula sa Northern Samar patungong Southern Leyte. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).