AABOT sa 22.78 billion pesos ang inaprubahang investment pledges ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ngayong Pebrero.
Mas mataas ito ng 130.5 percent kumpara sa 9.89 billion pesos na halaga ng pledges na inaprubahan kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa pulong noong Feb. 20, binigyan ng go signal ng PEZA board ang dalawampu’t anim na mga bago at expansion projects.
Inaasahang magdye-generate ito ng 241.47 million dollars sa exports at lilikha ng halos walunlibong trabaho.