5 July 2024
Calbayog City
Overseas

22 patay, mahigit 20 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa India

LABINDALAWA ang nasawi habang dalawampu’t tatlo ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Mumbai-Nagpur Samruddhi Expressway sa India.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, isang mini-bus at stationary truck ang nagbanggaan.

Itinuturing ito bilang ikalawa sa pinaka-malalang aksidente sa naturang expressway sa loob ng tatlong buwan.

Narekober naman ang mga nasawi na kinabibilangan ng anim na babae, limang lalaki, at isang anim na taong gulang na batang babae.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *