Inihain ng Calbayog CPS sa pangunguna ni PLTCOL AQUILINO G PONGCOL III kasama ang ibang unit sa isinagawang implimintasyon ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery with Homicide ng 5:50 ng umaga kahapon Oktubre 23, 2023 sa Sitio Patag, Brgy. Palanogan, Calbayog City.
Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Reynaldo Clemens, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 8th Judicial Region Branch 31, Calbayog City, Samar noong May 12, 2021.
Base sa Calbayog CPS sa isinagawang manhunt operation na nagresulta sa pag kaka aresto kay Elmer Salindayao alyas Ebong Oñate a.k.a Ebog, 44 na taong gulang nakatira sa Brgy. San Isidro, Oquendo District, Calbayog City.
Samantala, walang inirekomendang piyansa at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Calbayog CPS para sa tamang disposisyon.