Nailigtas ng Philippine Coast Guard ang nasa 200 residente ng Brgy. Sicsican sa Puerto Princesa, Palawan makaraang makaranas ng pagtaas ng tubig-baha sa kanilang lugar.
Nagsagawa ng flood response and rescue operations ang Coast Guard District Palawan (CGDPAL) sa Purok Narra sa basabing barangagy para mailikas ang mga apektadong pamilya.
Gumamit ng lubid ang mga rescuer para maitawid ng mga stranded na residente dahil maliban sa mataas na tubig-baha ay malakas din ang agos ng tubig.
Matagumpay namang nadala sa ligtas na lugar ang 88 pamilya o katumbas ng nasa 200 katao.