Sa napaunang ulat sa pamamaril sa Gandara, Samar kahapon Agosto 17, 2023 ng 3:00 ng hapon dalawa na ang patay at dalawa naman ang sugatan.
Nakilala ang mga sugatan na sina Teresito Picson 58 taong gulang at Marvin Taduyo29 na taong gulang pawang mga residente ng Brgy. Caugbusan, Gandara, Samar.
Habang ang dalawa pang nasawi ay kinilalang sina Sammy Jumadiao, 37 taong gulang at si Rolando Casaljay, 35 taong gulang at motorboat operator. Ayon pa rin sa nakakita nakuha pang tumakas ni Casaljay sa gilid ng ilog pero bumaba ang suspek at paghahampasin ng mahabang baril na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Matapos ang insidente agad na tumakas ang mga armadong kalalakihan sa bulubundukin ng nabanggit na lugar.
Samantala dinala naman sa ospital ang mga sugatan na biktima para malapatan ng medikal na lunas.