7 July 2024
Calbayog City
Metro

2 katao, patay sa sunog sa Parañaque City

sunog

Dalawa katao ang patay sa sunog sa isang residential area sa Barangay San Dionisio, Paranaque City.

Ayon sa Southern Police District (SPD), ang mga nasawi ay kinabibilangan ng apatnapung (40) taong gulang na lalaki at animnapu’t dalawang (62) taong gulang na babae.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot ng 3rd alarm ang sunog bago ito naapula.

Nasa animnapung (60) indibidwal o apatnapung (40) pamilya ang naapektuhan makaraang matupok ang nasa dalawampung kabahayan at establisyimento.

Nagsimula umano ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay, bagaman inaalam pa ang sanhi ng insidente.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *