ARESTADO ang dalawang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Aguit-itan, Calbayog City, araw ng Lunes, April 14, 2025.
Nadakip ang mga suspek na nakilala lamang sa alyas Ruffy, 40 anyos, residente ng Brgy. Aguit-itan at alyas Jun-Jun, 24 anyos, taga Lunang II, Almagro Samar.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Sa nasabing operasyon na pinangunahan ng Calbayog Police Station, pasado alas 5:25 hapon ng April 14, 2025 ay narekober ng operatiba ng Station Drug Enforcement team ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na binili ng poseur-buyer sa suspek na si alyas Ruffy pati na ang P500 buy-bust money, dalawang sachets ng pinaghihinalaang shabu, sling bag at apat na units ng cellphones, isang wallet, 1-piece green plastic tupperware at cash na nagkakahalaga ng mahigit P31,000.
Samantala, nakuha naman kay alyas Jun-Jun ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.
Inihahanda na ang kasong isasampa sa mga naaresto.
