DALAWANG indibidwal ang inaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa loob ng tahanan ng isang kongresista sa Concepcion, Tarlac.
Ayon sa PNP-CIDG, isinagawa ang pag-aresto noong Dec. 5 matapos ipatupad ang tatlong search warrants bunsod ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa congressman, kanyang asawa, at isang “Engr. Nilo” sa Barangay San Vicente.
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Kinilala ang mga dinakip na suspek bilang “Gene” na manugang ng kongresista, at isang “Jaime,” security guard ng mambabatas.
Inihayag ng CIDG na nahuli ang mga suspek habang nasa pag-iingat nila ang tatlong baril na may expired na lisensya at permit.
Nagresulta ang operasyon sa pagkumpiska sa sampu umanong Loose Firearms and Ammunition.
