Namataan ng Philippine Navy ang dalawang Chinese navy vessels habang nagsasagawa ang Pilipinas at Amerika ng joint patrols sa West Philippine Sea noong Biyernes.
Sinabi ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad, na dalawang People’s Liberation Army (PLA)-navy ships ang tila nagmamanman sa maritime cooperative activity ng Pilipinas at US.
Maliban aniya sa dalawang Chinese vessels, ay wala nang iba pang “uninvited guests” sa naturang military exercises.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mayroong namataang Chinese navy ships na tila nagbabantay sa pagpapatrolya ng Pilipinas at Amerika sa West Philippine Sea.