Natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng dalawang binatilyo na pinaghihinalaang nalunod matapos na maligo sa dagat sa San Fernando, Camarines Sur.
Kinilala ang isa sa mga biktima na 16-anyos na binatilyo.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Sa panayam kay Police Executive Master Sergeant Restituto II Cabral, Chief Investigator ng San Fernando Municipal Police Office, sinabi nito na una nang natagpuan ang katawan ng 16-anyos na biktima habang ang pangalawang katawan ay nakita umaga ng Biyernes, July 26.
Pinaghihinalaan na ang malakas at malalaking alon ang naging dahilan ng pagkalunod ng mga biktima.
