Itinaas ng Department of Health ang Code Blue Alert sa mga rehiyon na naapektuhan ng matinding pagbaha dahil sa bagyong Carina at habagat.
Ayon sa DOH, nakataas ang Code Blue Alert sa Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila at Calabarzon.
ALSO READ:
Goitia: Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas
DILG chief, inatasan ang mga pulis na magsuot ng body camera sa paghahanap kay Atong Ang
Zaldy Co, nagtatago sa gated community sa Portugal, ayon sa DILG
Subpoena laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakaumang na, ayon sa DOJ
Code White Alert naman ang umiiral sa Cagayan Valley at sa CAR.
Kabilang sa tututukan ng DOH ang kalusugan ng mga pamilyang namamalagi sa mga evacuation center sa mga apektadong rehiyon.
Mamamahagi ang ahensya ng CAMPOLAS Kits na naglalaman ng mga gamot at bitamina para sa mga evacuees. Kasama sa mga ipapamahagi ay ang mga gamot sa hypertension at diabetes.
