PINADAPA ni Spanish Tennis Player Carlos Alcaraz si Jannik Sinner ng Italy sa pamamagitan ng four Sets, para makamit ang kampeonato sa US Open.
Napasakamay ng bente dos anyos na si Alcaraz ang kanyang ikalawang US Open Title at ika-anim na Grand Slam Title, sa score na 6-2, 3-6, 6-1, 6-4, bilang pambawi sa nag-iisang talo nito sa isang Major Final laban kay Sinner sa Wimbledon noong Hulyo.
ALSO READ:
Alex Eala, kauna-unahang Pinoy na nagwagi ng WTA 125 Title
Gilas Pilipinas Youth, binigo ng bahrain; hindi makapaglalaro sa FIBA U16 Asia Cup Quarterfinals sa unang pagkakataon
Alex Eala, pinadapa si Arianne Hartono sa pagsisimula ng kampanya sa Guadalajara 125
Pinay Tennis Ace Alex Eala, balik Hardcourt para sa Guadalajara Open sa Mexico
Nakatakdang bawiin ni Alcaraz ang World No. 1 Ranking mula kay Sinner, at makabalik sa Top Spot sa unang pagkakataon simula noong September 2023 matapos tuldukan ang 27-Match Winning sa Hard-Court Grand Slams ng Italian tennis player.
Sa ngayon ay mayroon ng pitong panalo mula sa walong nakalipas na Torneyo si Alcaraz at 10-5 Overall laban kay Sinner.