INANUNSYO ng Trump Administration ang pag-freeze ng mahigit 2 billion dollars na federal funding para sa Harvard University, ilang oras matapos i-reject ng elite college ang listahan ng mga demand mula sa White House.
Sa statement, sinabi ng Department of Education na ang pahayag ng Harvard ay nagpapatibay sa nakababahalang “entitlement mindset” na endemic o matatagpuan lamang sa pinakaprestihiyosong mga unibersidad at kolehiyo sa kanilang bansa.
Noong nakaraang linggo ay nagpadala ang White House ng listahan ng mga demand sa Harvard na umano’y idinisenyo para labanan ang Anti Semitism sa campus.
Kabilang din dito ang pagbabago sa pamamahala, hiring practices, at admission procedures.
Ibinasura ng Harvard ang demands, sa pagsasabing tinatangkang kontrolin ng White House ang kanilang community.