AABOT sa 28.5 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska habang isa ang nasawi sa buy-bust operation sa Parañaque City.
Nasakote rin sa naturang operasyon sa Barangay San Antonio, ang tatlong iba pang suspects na kinilala lamang sa mga alyas na Lala, Allan, at Binny.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Kinilala naman ang napaslang na suspek na si alyas “Sady” habang apat na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasugatan sa engkwentro.
Narekober ng mga awtoridad mula sa operasyon ang 4.2 kilos ng shabu, isang sasakyan, mobile phone, buy-bust money, identification cards, drug paraphernalia, baril, bala, at iba’t ibang dokumento.
